SPAKOL - n. (SPA + jaKOL) isang spa na bentahe na ang extra service.
Matapos ang usapang McArthur, Spiderman, Hello world!, at iba pa (sa mga hindi ito alam, usapang tae po ito. isipin ninyo na lang) - sa gitna ng pagkukumbinsi sa kasama naming manlibre ng lugaw o pares matapos ang inuman, lumabas ang terminong spakol. Sabi kasi nung isa naming friend meron daw lugawan malapit sa Timog bago daw sa spakolan sa Kamuning. Bilang tipshhhy na ako, di ko agad nagets yung sinabi niya. Dinig ko nga palakol. Nagets ko lang siya nung inulit lang niya yung sinabi niya. Laking tawa namin bilang ang manlilibre naming friend ay gurl. At ika nga ni gurl, "dapat bang naririnig ko to?!" haha. Tukso pa namin sa kanya na dun niya na lang kami ilibre. "Ba't ko naman kayo ililibre sa ganun?!" halakhakan na naman kami.
Aksheli, di iyun ang first time kong marinig yung term na yun. Narinig ko siya sa isa ko pang gurl na friend. Ishinare niya kasi noon na nagpupunta daw yung boyfriend nya sa spakol sa may Quezon Ave. At kinikwento pa ni boyfriend kung kelan siya pumupunta at kung ano ginagawa dun. Sabi ng friend ko, "diba, bakit niya kailangan sabihin sa akin yung ganung bagay?! di naman yun yung tipo na gusto mo marinig." Sabi pa ng boyfriend niya naaya lang daw siya ng mga kaibigan niya from their basketball team. Hala! At kasali pala yun sa regimen ng pagiging mahusay na player yung ganung activities. At least andun parin ang camaraderie. the team that spakols together, wins the game together (sa araneta or moa arena).
Di ko naman ikinakailang nagpupunta ako sa ganito. Ganun siguro talaga minsan kapag stress ka. Magpapamasahe ka. Kung magpapamasahe ka na rin, buti na yung may pang pa-good mood sa dulo. Para paglabas mo sa establishment, blooming at blushing ka naman, di yung mukhang nalamutak ka. Ganun din siguro yung logic ng mga basketball players at ibang mga yuppie friends ko. after a stressful training or game, or toxic day sa office, it's good to reward yourself a nice rub down. up and down. up and down.
Nice words on the last part. As they say, one needs someone else's hand at some point ☺
ReplyDeletepuro ka kabastusan! lOL
ReplyDelete