Skip to main content

Pangarap

Recently, ang dami-dami ko ng pangarap na gustong maabot. Dati rati ay kuntento na ko kung nasaan ako. Masaya na ko sa mediocre job with mediocre pay. Di pa nga umabot sa 5 digits ang sweldo ko, pero ayus lang sa akin. Single naman ako at walang binubuhay. Nabibili ko naman ang ilang bagay na nakakaapagpasaya sa akin. At nakakakain naman ako 3-5 times a day. Simple lang naman ako. Masaya kung anong meron ako. Kahit kelan di na ko naghangad ng marangyang buhay at malaking sweldo.

Pero recently parang nag-iba na ang ihip ng hangin. Ngayon parang ang dami ko ng pangarap sa buhay. Parang ang dami ko ng gustong marating 5 years o 10 years from now. At ngayon parang ninanais na ng puso ko ang mas maginhawang buhay. Yung buhay kung saan kaya kong bilhin ang lahat ng gusto kong bilhin. Not holding back kahit ano mang presyo ang makita sa tag. Di maging conscious sa price at tatak ng bibilhin. Yung buhay na kaya gawin ang gusto kong gawin tulad ng mag-travel at explore. At buhay na kung saan di lang ako ang maginhawa kundi pati na ang pamilya ko.

Oo. I think my family is the primary reason kaya nagbago ang pananaw ko sa buhay. Siguro dahil sa kanila na gusto ko ng magpursigi at magsipag. Marahil dahil sa kanila kaya ngayon ay ninanais ko na ng maginhawang buhay. Sila marahil ang dahilan kung bakit ngayon ako ay nangangarap.

Pakiramdam ko kasi parang dahil sa mga insidente na nangayayari sa pamilya, naobliga akong maghangad ng magandang kapalaran. Hindi na sapat ang isipin ko lang ang sarili ko dahil habang ako ay tumatanda, ang mga magulang ko ay tumatanda na rin. Darating ang araw na di na nila kaya pang magtrabaho at sa akin na sila sasandal para suportahan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. At habang tumatanda rin ako, mayroon pa akong younger siblings na mangangailangan ng financial support. Siyempre sa akin din sila hihingi ng tulong. Siguro nga gone are the days na sarili ko lang ang iniisip ko. Papunta na ko dun sa time na dapat isipin ko naman ang pamilya ko.

Pero, kasama ng pangarap na yan ay takot. Takot na baka dumating ang araw na di ko matupad ang mga pangarap na hinangad ko. I don't want to fail and disappoint the people who'll rely on me. And I don't want to get my hopes up and have high expectations. Kasi yun ang pinakamasamang pakiramdam na ayaw kong maranasan, yun ang taas-taas ng pangarap mo tapos biglang may mga pangyayari o taong magsasabi sa'yo na di mo na magagawa yung gusto mo. Kahit pilitin mo, hindi pa rin mangyayari. Nakakatakot lang. Kasi nga, sabi nila ang buhay ay parang gulong, matapos ang kasayahan ay kalungkot at iikot ulit yun. I've been disapponted a lot of time in my childhood and I never want to experience that again. I don't want to be disappointed and I can't live knowing that I have disappointed somebody.

So, ngayon, nangangarap pa rin ako. Nangangarap ng kaginhawaan. Ngunit sa likod ng pangarap na iyon ay takot. Takot ng pagkabigo. Pero kahit na nararamdam ko 'tong conflicting emotions, kailangan ko pa ring mabuhay at magpatuloy. Kailangan ko pa rin mangarap. Sabi nga sa isang classic na kanta. "You gotta have dream, if you don't have a dream. How you gonna have a dream come true."

I think kaya ako nangangarap ay dahil gusto kong isigaw ang "Dream come true!"sabay tumbling at talon.


*Pasensya na sa haba, pag ganitong gusto ko kasi ng release, tuloy-tuloy na*

Comments

  1. bakit ganun?

    habang ummakyat ang sweldo, e umaakyat din ang gastos.

    grrrrr.

    ReplyDelete
  2. walang masama na mangarap ka, at walang masama na matakot ka. ang masama lang ay kung wala kang gagawin para maabot mo ang pangarap mo, at kung wala ka pa din gagawin dahil sa takot ka.
    do everything one step at a time na muna. unahin ang dapat unahin.
    in other words, go lang ng goooooo!!!! :D
    i can relate on what you said na pagtagal eh ang parents ay titigil na sa pagwork. kasi right now eh nararamdaman ko ito. retired na ang isa habang ang isa pa e nagpaparamdam na na gusto na nya magretire. haha!! kaloka lang! kelangan ko na din kumayod twice para masuportahan sila ng buong buo! haha :D
    anyway, good luck sa mga gagawin mo! kaya natin 'to! keep us posted! :)

    ReplyDelete
  3. sabi nga nila, mo money mo problems. lolz

    ReplyDelete
    Replies
    1. city: pero ika nga ni sylvia la torre, no money, no honey lolz

      Delete
  4. that's what they call growing up, i guess.

    ReplyDelete
  5. di pala ako nakapag comment dito i thought i did. nyway, ganun talagapag tumatanda na mas dumadami ang gusto natin
    sa buhay

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

What 2012 taught me..

Yesterday night, my friends and I went out for dinner. During our talk a friend suggested to share our year-end evaluations. Since I've already blogged about how my year went, I was quick to answer his question. His next topic was to complete the statement: 2012 taught me to.... I haven't really thought of the lessons or general theme of the closing year so I got to think about my answer. And here's what I shared. "2012 taught me to just keep on trying. Maybe I'll succeed, maybe I won't. No matter what the outcome may be, what's important is that I have tried that I have exerted effort to reach my dream. Even though I take things a day at a time, not really making long term plans, I still have goals for whatever opportunities and I would make every step to take advantage of that chance. I believe that it's better to have tried (in love, in career, and in life) than to regret not trying at all." So that's it. And with this, I end my 2012 ...

Limp

I'm feeling a little limp tonight - maybe it's the vagueness of my future or the dilemmas I am facing or the lack of financial stability I am experiencing - but all I can do is just speculate. I thought I have gone through this already, the quarter life crisis as they say - emotional lability, constant questioning of worth, and unexplainable emo-shit. I'm tired of this, tired to wake up each morning and feel unsure of everything. Ugh. I just want to shake this off. Anyway, speaking of shaking things, here's one topic I wanted to write about for so long. I first heard it from some friends [ang mag-react, guilty! hahaha] and it got me curious, though I have to say, I really don't need this. *ehem* What is it? It's penis enlargement. Yes, my dear friends, you read it right. PENIS ENLARGEMENT . The natural kind. They call it Jelq . They say Jelqing was derived from an Arabic word meaning 'milking', which is the main motion of this technique....