Sa tagal mo nang naglalaro, akala mo bihasa ka na. Na kahit anong gawin mo, hindi ka madadala. Na ikaw pa rin ang nagpapatakbo ng laro. Ngunit minsan bibigay ka rin at susuko.
Bagamat gusto mo nang umiwas sa paglalaro, di mo pa rin magawang talikuran ang nakasanayan. Tila naging bahagi na ito ng iyong pagkatao na kahit kailan ay di kayang iwaksi. Kaya maiisip mo, sasaya pa kaya ako nang tunay?
Madali kasing sabihing hindi ka pa handa sa pakikipagrelasyon. Dahil alam mo sa sarili mo na di mo pa kayang maglaan ng atensyon para sa iisa lamang. At alam mo na kapag nangyari iyon, ay makakasakit ka lang ng damdamin.
Ngunit ang malaking tanong ay hanggang kailan? Hanggang kailan ka magpapatuloy sa paglalaro. Alam mong nagsasawa ka na, pero bakit nahihirapan ka pa rin magbago? Ano ang hinihintay mo para ikaw ay tumalikod sa nakagawian?
Marahil may hinihintay ka. Marahil may inaabangan kang tao kung saan ilalayo ka sa ganoong pag-iisip. Isang tagapagligtas na maunawain at mapagmahal. Yung mas mahal ka kesa sa mahal mo. Isang taong makakaintindi.
Ngunit kung iisipin mo, hindi yun patas. Ikaw ang mas mamahalin, ikaw ang iinitindihin, ikaw ang uunawain. Parang nagiging madamot ka naman.
Marahil tama ka nga sa pasya mong huwag munang pumasok sa relasyon. Mukhang hindi ka pa nga talaga handa. Mukhang kailangan mo munang kilalanin ang sarili mo ng lubusan bago ka magpapasok ng panibagong tao sa buhay mo.
Sinasabi mong sawa ka na sa paglalaro. Sinasabi mong gusto mo ng lumagay sa tahimik. Puwes, ngayon palang ay diretchuhin mo na ang buhay mo upang kung sakaling dumating man ang tamang tao para sa iyo, ay hindi mo na iisiping ito ay isang laro lamang.

ano ba naman kasi yang larong yan? lol!
ReplyDeleteLet me guess... You're talking toyourself noh? hmmmnnn... ok lang yan...laro laro lang para mas nakakalibang...
ReplyDeletekinakausap mo na naman sarili mo mamon. sana naman makinig na siya yang sarili mo sau. charrr hahaha
ReplyDelete