Skip to main content

Sundan


"hindi bale. basta makita ko lang siya, masaya na ko"

Pramis. Kinilig ako noong una kong masilayan ang mukha niya sa Skype. Ang cute lang niya. Sarap niyang akapin, halik-halikan, at alagaan. Sa totoo, napakaaliwalas kasi ng mukha niya kaya di malayong magkagusto ka sa kanya sa unang tingin palang.

Sobrang gusto ko siyang makilala noon. Ang daming beses na tinetext ko siya at tinatanong kung anong schedule niya sa opisina dahil balak ko siya abangan sa paglabas. Surpresahin ba. Makita ko man lang siya nang personal. Nakakatawa kasi pakiramdam ko noon obsessed fan ako ng isang artista. Totoo. Sa katunayan, isang gabi inabangan ko siya sa opisina. Mejo late na rin yun. Akala ko kasi 11pm ang labas niya. Ako naman todo hintay sa labas ng building inaabangan ang bawat lumalabas.

"Ano naman gagawin ko kung makita ko man siya," isip ko. "hindi bale, basta makita ko lang siya, masaya na ko," sabay ngiti at kilig.

Lumipas ang isang oras, wala parin ang hinihintay ko. Buti na lang at maraming tao sa lobby dahil sa mga networking peeps na nagpupulong kaya di ako masyadong nagmukhang tanga. Di ko na binanggit ito sa kanya baka isipin niya kasi stalker ako.

Nang malaman ko ang tama niyang schedule ay inabangan ko ulit siya sa kaniyang opisina. Sa pagkakataong ito, pinalad na akong maabutan siya sa paglabas. May kasama siyang ibang tao kaya wala rin akong lakas na tawagin siya. Sinundan ko nalang siya ng tingin sabay ngiti.

Ang aking pag-uusap sa kanya ay nagbunga naman ng pagkikita. Tsaa, kwentuhan at ayaan sa susunod na pagkikita. Masaya lang kasi pakiramdam ko gusto ko siya pero gusto ko rin siyang maging kaibigan.

Isang araw nagkaroon ng out-of-town na kasali kame. Di iyon sinasadya at nagkataon lang dala ng magkaiba naming kaibigan. Pero pasalamat naman ako at andun din siya.

Nang dumating na sa  sa paghihiwalay ng kuwarto, naisipan naming magsama nalang. Tig-isa kami ng kama sa kwarto. Kwentuhan, tawanan at pahinga ang ginawa namin. Magkahiwalay kami ng kama noon kaya pakiramdam ko ay ako lang ang nakakaramdam ng pagnanais. Nahiya naman akong gumawa ng hakbang dahil baka mabastos ko siya at mawalan ako ng kaibigan, kaya kung ano man binabalak ko ay kinalimutan ko na.

Nagreklamo siya ng sakit ng ulo kaya nag-offer naman ako na masahihin siya. Sinusubukan kong pigilan ang sarili ko noon dahil baka paghawak ko sa mukha niya ay di ko mapigilang gahasain siya. Biro lang.

Sa sobrang pagod, di namin namalayang nakatulog na pala kami pareho sa isang kama. Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman ko siya sa tabi ko. Wala mang mangyari sa aming dalawa, di ko sasayangin ang pagkakataong may makayakap sa pag tulog. Ang sarap kaya ng pakiramdam na iyon di ba?

Nagulat na lang ako nang sa pagyakap na yun ay nagising ang dugo niya. Naalala ko nalang ang mga mata niyang nangungusap. Dahil sa bilis ng pangyayari mula sa pagtulog hanggang sa pagniniig, di ko na maalala ang bawat detalye. Ang tumatak sa isip ko ay kung gaano siya kagaling gumalaw. Iwanan ko nalang sa imahinasyon ninyo kung gaano siya kagaling.

Matapos ng nangyari sa amin ay unti-unti na rin nabawasan ang aming pag-uusap. Marahil ay pakiramdam ko ay di rin naman niya ko magugustuhan dahil di rin naman namin napag-usapan kung ano man ang nangyari sa amin. Nagkita na rin kami makalipas iyon ngunit patay-malisya lang kami.

Marahil nasanay na rin ako ganoong sitwasyon dala na rin ng karanasan ko noong kabataan ko. Hindi lahat ng nagsisimula sa sex ay napupunta sa nais nating mangyari. Minsan dun na yun nagtatapos.


-

Person of Interest

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

SOML: Somebody that I Used to Know

Was there ever a time in your life when you first heard a song and felt that the song was written for you? That it might be your theme song for a certain moment or chapter in your life? Parang kiling me softly with his song lang ang peg.