"Di ba kapag tapos na, pede na pag-usapan?"
Matagal rin buhat noong huli naming pag-uusap. Marahil buwan na rin ang nakalipas nang kami ay magkita at magsama. Ngunit ang sandaling oras na nakapag-usap kami kamakailan ay nagdala ng kalinawan para sa aming dalawa.
Nagkakilala kami sa isang inuman. Naimbita lang ako ng isang kaibigan dahil malapit lang naman ako kung saan sila umiinom.
Bilang ako ang bago, Siya ang naging kausap ko sa buong gabi dahil di na rin ako maasikaso ng kaibigan ko dala ng kalasingan. Naging mabait naman siya sa akin, pala-kausap, pala-biro, at pala-kwento. Mga katangian kung bakit naging magaan na agad ang loob ko sa kanya.
Naging malapit kami sa isa't isa na umabot sa paglabas-labas naming dalawa lang. Pamamasyal sa mall, panonood ng sine, pagkain sa labas, at pagsiping. Naramdaman namin ang pagkagusto namin sa isa't isa ng mga oras na iyon.
Ngunit di rin kami nagkatuluyan. Nagkalimutan ng sandali sa pag-uusap hanggang sa araw na iyon.
"Di ba kapag tapos na, pede na pag-usapan"
Hinanda ko na ang sarili ko sa susunod na pangungusap. Naramdaman ko na kung saan patutungo ang usapan naming iyon.
"Medyo naramdaman ko rin yata na hindi ka pa rin ready.."
"Yeah, at mukhang handang handa ka na noon, kaya di tayo tugma..."
Doon na nagsimula ang aming pagbubukas ng sarili ukol sa mga nangyari sa aming dalawa at kung bakit walang nangyari sa aming dalawa. Napag-usapan ang unang pagkikita hanggang kung kailan nagustuhan ang isa't isa. Naging magaan naman ang pag-uusap naming iyon, walang drama, walang kapaitan.
Sa huli, napagkasunduan namin ang pinakamahalaga ay ang kasiyahan ng isa't isa kahit na ito ay sa piling ng iba. Kaya sa ngayon, masaya na kami na manatiling magkaibigan.
MinsAN talaga ay nadadaan sa maayos na usapan. Kung hindi siguro kayo nag-usap baka nawala nalang bigla ang pinagsamahan nyo. :)
ReplyDeleteEto na pinakawholesome na nabasa ko dito. hihi
Hoy marami akong wholesome posts dito ah.. mga 3 haha
Deletebravo! chos!
ReplyDeletetotoo, minsan, meron mga tao na mas okay na friends lang sila talaga...
mas magiging okay ang lahat, mas makakakuha ka ng mahusay na kausap..
true, masarap magkaroon ng mahusay na kausap :)
Delete