Skip to main content

Move on




Siguro naman karamihan sa atin ay dumating na sa puntong kailangan nating mag-move-on. Yung tipong kailangan na nating ipagpatuloy ang buhay natin matapos ang isag kalungkot-lungkot na pagkakataon. At wakasan ang mga araw na tipong episode ito ng MMK.

Kadalasan, matunog ang katagang move-on sa mga relasyong natapos. Kahit na buwan pa lang yan o umabot na ng taon, mayroon talagang mga relasyon na di maiwasang magwakas at matuldukan.

Now, for the sake of this entry, we will assume that the one who needs moving on is the one left behind, the one caught off guard. Kasi kung iisipin natin, yung taong umiwan sa atin at nakipaghiwalay ay malamang nauna na siyang mag-move-on kaysa sa atin. Lingid sa ating kaalaman ay nag-iisip na siyang makipaghiwalay at naghihintay na lang ng magandang tiyempo o ng taong sasalo sa kanya. Minsan nga sa sobrang bilis nila mag-move-on nang hindi natin alam, malalaman lang natin matapos ang ilang araw ay mayroon na pala siyang iba. O davah! wala ng DABDA.

So paano nga ba mag-move-on ang nakararami sa atin? At lubos na mahalaga ay paano nga ba mag-move-on nang madali at mabilis? Base sa isang libo't pitong daan limampu't tatlong baklang nakausap ko sa kanto, sa parlor, sa gay bar, sa dotahan, sa gym, sa military baracks, sa universities, sa library, sa blog, sa twitter, sa grindr, hornet, PR, Jack'd, at sa museum, may I present ang top 5 answers ng sangkabaklaan at sangkapamintahan.

Technique 1: Maghanap ng kapalit
Rationale: kasi pag may lumisan, hindi ba may void na maiiwan. yung void na yun ang magpapahirap sa iyong makamove-on. kaya karaniwang ginagawa ng tao para maka-move-on ay maghanap ng ipapalit sa nawala. Sabihin na nating rebound, panakip-butas. eh ganoon naman talaga ang tawag dun. Kahit na ito ay counter productive (kasi parang pinapalabas mo na di mo kayang mabuhay ng mag-isa), marami pa rin ang nahuhulog sa ganitong coping mechanism. eh sa doon sila masaya e, [ano] magagwa natin.

Techinique 2: Tanggalin ang mga bagay na makapagpapaalala sa kanya
Rationale: pano ka nga naman makakamove-on kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay marami kang nakikitang nagpapaalala sa kanya - yung text messages sa cellphone mo, yung mga DMs ninyo, mga posts mo 'bout him, yung gamit sa bahay mo, mga stuff toys niya, yung pabango niya sa unan mo, yung brip niyang hindi mo nilalabhan sa ilalim ng unan mo. Dapat lahat yun ay maibalik mo na o itapon (sayang naman kung itatapon, donate na lang sa less fortunate peeps.) para wala ng constant reminder ng taong iyon.

Technique 3: Become better
Rationale: Improve yourself. Increase your market value. Magpaganda, magpaborta, magpapayat, magpabango, magbago ng wardrobe, magbago ng buhok. In short, become the best person you can be without him. Bakit, papayag ka bang siya lang ang magsaya sa paghihiwalay ninyo. op kors hindi noh. Di mo dapat hayaan ang sarili mong maloshang at pumangit. Ang sa lagay e siya lang ang matutuwa. Kung naka-move on na siya sa'yo, kebs. Nag-move on na rin ang buhay mo ng wala siya.

Technique 4: Maging busy
Rationale: Pagproductive ka at maraming naa-achieve, magmumukmok ka pa ba sa paghihiwalay mo? Walang distractions. Walang drama. Walang magpapasundo't hatid. Wala nga lang magpapakilig, muna. Eh yun nga e, nagpapagaling ka pa e. Kaya wag na maglungkot-lungkutan sa bahay sabay hagulgol at wall slide. You owe it to yourself to be functional. Kelangan mo rin naman kumita ng pera daba. Busy yourself with work, school, activities, hobbies, reading, watching movies, friends, flings, fubus. hahaha

Technique 5: Sa ipinalit sa iyo.
Rationale: Actually, may two schools of thought dito. Una, kapag yung nag-level up ang jowa ng ex mo. tipong mas gwapo, mas maganda katawan, mas mayaman, at mas malaki... ang puso. Yung mas sa halos lahat ng bagay kaysa sa'yo. Madaling maka-move on kasi alam mong susuko ka na agad at bibitaw sa pag-asang magkakabalikan kayo. 'Tama na teh, wala kang laban dun,' yun na lang masasabi mo sa sarili mo.

Yung pangalawa naman ay kapag parang gusto ata tumikim ng exotic ng ex mo. Yung tipong di mo alam kung saan napunta yung taste niya. Sa umpisa parang di mo matatanggap na ganun ang pinalit sa yo pero sa huli maiintidihan mo na kaya pala nakipaghiwalay sa'yo ay mejo na ibang lupalop ang tipo niya. makakahinga ka na ng maluwag nun.

So hayan ang nakalap ko sa masinsinang research ko. As for me, sa mga relasyon kong napagdaanan (dadalawa lang naman ito e, pramis, kung hindi isasama yung relasyon sa text bwahahaha. puro landi na lang
kasi yung karamihan. chos), ang susi sa pag-move-on ay nakasalalay sa emotion mo noong araw na yun.

Like nung una, galit-galit kami ni ex nung last day namin. eh, di ako nanunuyo no. kung galit ka, hahayaan lang kita. hayun, nag-break na lang kami sa text. ayoko ng drama noh. yung pangalawa naman, aba'y loko-loko yun e, gumawa ba naman ng milagro kasama nung kaibigan ko sa lakad namin ah. Ako naman si gago na pinatawad at tinanggap siya ulit. Pero napraning na ko after that incident eh. Lagi ko iniisip na may kakeme siya kapag nag-iinuman. Yes, gala siya, mahilig lumabas with friends kasi bata pa, 3 yrs agwat namin. So nung nakipagbreak siya, ayos na ko kasi sawa na rin ako sa pakikipagtalo at pag-aalala sa kanya e.

Ultimately, moving on is a matter of choice. You take responsibility with your feelings and emotions. It's up to you which ideal you would take with you after a devastating incident like breaking up. Yes, your feelings of sadness is valid. But you still have to realize that before him, you were already living and doing your own thing. You just have to get back on your feet and forget him altogether. Forget the person but not the lessons that you have learned from the experience. Forget the pains of breaking up but not the feeling of joy being loved by someone.

Comments

  1. Paano po pag fail and techniques 1 to 5? Laslas pulso na po ba ang next? :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

A Walk to Equanimity Spa

I was just feeling really tired that day. There was all sort of stress that came my way that week - coming from deadlines from school and from the chaos in the family. All I want was just to have a relaxing massage since it has been a week since my last one. It was just fitting to reward myself with a good old rub down to ease tension from my body and my mind. So that night, I decided that I would get a massage no matter what. The bus I rode from school dropped me off at Kamuning Road. I decided not to go to my suking massage place because the new attendants there were young and very much inexperienced, as far as massage technique is concerned. That night I wanted quality massage really worth paying money for. In Kamuning, I remember passing-by a number of spa before. So I walked the street from EDSA to scout the area and look for a good massage place. The first spa that I passed-by had a black brand (which name I could not remember). It seemed nice but the feeling I had made me w...