Nakakatuwang kahit alas sais ka na nakatulog at alas nuebe ka bumangon ay masaya ka parin sa gising mo. Yung tipong ang saya-saya mo lang nang ikaw ay humimbing sa pagtulog tapos dala mo pa rin sa pagmulat ng iyong mga mata. Nakakatuwa lang.
Nakakatuwa rin na kahit di ka masyadong nakainom, ang katotohanan ay isang baso lang ng wine ang ininom mo, ay naging ubod pa rin ng saya ang gabi mo dahil nakita mo ang mga taong nasisisyahan kang makita muli, at ang mga taong gustong gusto mo ng makita at makilala. Nakakatuwa lang.
Nakakatuwa lalo na yung ang gaan na agad ng pakiramdam mo sa mga taong unang beses mo lang nakilala dahil lang ang dali nilang pakisamahan at kausapin. Yung tipong ang tagal ninyo ng magkakakilala. Nakakatuwa talaga.
Nice to be in your company guys ulit kahit saglit lang- Nimmy, Leo, Nikki, Nate, Louie, Beej - at sa nakaka-awestruck na sina Joms at Jap. Salamat sa masayang madaling araw Josh, Josh, Keemo, Migs, at sa butihing hostess Mac. Nakakatuwa talaga.
PS.
Dito ko na lang din isisingit. Did you ever hava a you-remind-me-of-a-friend/person-I-know moment? Kasi madalas mangyari sa akin yun. Yung tipong kapag kasama mo yung tao, may naaalala kang ibang taong katulad niya - sa itsura, sa kilos o galaw, sa pananalita, sa paggamit ng wika, o maging sa mga mannerisms. Di naman sa crush/pinagnanasaan mo yung taong naiisip mo. Basta bigla mo lang siya naalala out of the blue dahil sa naobserbahan mo sa kasama mo. Isa pang yung nakakatuwa. Nakakatuwang isiping kahit sabihin nating unique tayong lahat, meron at merong tao sa mundo na katulad o kamukha mo. If everybody is unique, therefore, everybody is the same. Di ko alam ang connect, naisip ko lang. :D

Comments
Post a Comment