Too-Ow-Wan-Too
Ang saya rin ng naging taon na ito. Kahit na wala masyadong gala o outdoor activities o active lifestyle keme (nahawa na ko sa mga kaibigan ko, hehe), naging maayos at makabuluhan pa rin ang taon.
Pasado!
May dalawa akong mga exams na kinuha noong simula ng taon. Awa ng Diyos nakapasa naman ako sa pareho. Kahit di ko pa dama ang epekto ng pagpasa ko sa exams na yun ngayon, masaya pa rin ako na nagbunga rin ang mga paghihirap ko sa pag-aaral para dun.
Pagkabigo.
Sabi nga nila, subok lang nang subok. Try lang nang try. Go lang nang go. Kaya marami akong sinubukan ngunit marami rin ang pagkakataong ako ay nabigo. Pero hindi ba't ganyan naman talaga ang buhay. Kailangan natin maramdaman ang pagkabigo para mas pahalagahan natin ang tagumpay. Tsaka sabi nga nila 'di ba, mas mabuti na 'yung subukan kaysa pagsisihan ang lumagpas na pagkakataon.
Love and Lost
Tumibok ang puso ko muli ngayong taon ngaunit kung gaano kabilis siya dumating ganoon din siya kabilis naglaho (isang linggong pag-ibig lang ang peg hehe). Sabi nga ng isang kaibigan, di naman daw sa tagal ng pagsasama nasusukat ang pagmamahal, asa haba ng nota daw. dyuk (kopya lang din yan). Minahal ko naman yung mokong kaso may pagkakataon lang talaga na hindi ko na nagustuhan ang pagbabago sa sarili dahil sa kanya. Inisip ko kasi, di na healthy ang relationship kung hindi mo na nakikilala ang sarili mo. Basta hayun, tinapos na lang namin bago pa kami magkasakitan ng loob. Pero ang maayos naman dun, nagkakausap pa rin naman kame pero madalang na. Marami rin naman akong natutunan sa pagsasama namin. Una dun ay marahil di pa ko handa sa isang relasyon - handang umibig pero di pa sa commitment (meganun ba?)
Bundok
Buti na lang hindi natapos ang taon na hindi ako nakaakyat ng bundok. Ang masaya pa dun, nakasama ko pa sa isa sa mga akyat ko ang isang bagong kaibigan.
Salamat, Dok.
Ang hula noong 2011 ay dapat daw mag-ingat ang mga Tiger para sa kanilang kalusugan sa taon ng 2012. Mukhang hindi ko nasunod ang warning ni Ateng Zenaida kasi nakabisita ako sa apat na doctor ngayong taon. Iba't ibang parte ng katawan. Iba't ibang karamdaman. Awa ng Diyos pa rin at buhay pa ko at di ako na-confine sa hospital. Lakas ko pa rin siguro kay Bro.
Pangarap kong Jackpot.
Hindi naman talaga jackpot ang pangarap ko. Pangarap ko lang mangibang bansa upang umunlad naman ang buhay naming mag-anak. Kaya isa yun sa mga pinagkaabalahan ko ngayong taon. Nakatatlo o apat yata akong bisita at tanong sa mga agency para maipadala na ko sa tate. Loobin sana na makaalis ako sa susunod na taon. Samahan ninyo ako sa pag-pray.
Mga bagong kaibigang nakilala.
Napakasaya talaga (oo, super) na makilala ang mga tao sa likod ng mga blog at tweets na nababasa ko. Noong una kasi sabi ko di ako magpapakita kanino man. Anonymous lang ang peg ko dapat. Dala na rin siguro ng paghanga, curiosity, at kasiyahan, naisipan ko na rin makipagkita. Heto kasi yung pagkakataon na makakilala ka ng tao na di mo naman madalas makasalamuha. Mga taong galing sa iba't ibang industriya at propesyon ngunit marami ring pagkakapareho sa iyo. Ang dami kasing pwedeng matutunan at maintindihan tungkol sa mundo mula sa kanila na maaring iba ang pananaw sa iyo. Kaya ang saya lang. Lalo na't magiging kaibigan mo ang karamihan sa kanila at tuluyan ng uukit ng marka sa iyong buhay. O di ba, saya lang.
Marami pa rin talagang dapat ipagpasalamat sa nagdaang taon. Naging makulay ito dahil sa mga pangyayari at taong naging bahagi ng aking buhay. Sabi nga nila, wala namang pirmi sa mundo, ang tanging pirmi lang ay ang pagbabago. Kaya kailangan lang nating namnamin ang bawat sandaling nangyayari at ang mga taong dumadaan sa ating buhay.
Happy New Year sa atin, Friends!
Woah - what a year din! Hehehe. Happy New Year!
ReplyDeleteNasa haba talaga ng nota? Haha natawa ako dun. Happy new year! : )
ReplyDeleteNakakatawa at siksik at post na ito...likinabuhay ng aking kaisipang mahalay...
ReplyDeletehaaaayyyy kaka-relate ang pag-ibig na dumating at umalis....
sige subok na lang ulit.... go lang ng go!
Happy New Year Hustin! Good year ang 2012 no, baka lagnat laki lang naman ang naging reason mo sa 4 na visit sa doctor lol!
ReplyDeleteGo go go sa 2013! :)
Kelan kaya kita makikita. dyuk!
ReplyDeleteMagiging OFW kana rin. Yey! Hihintayin ka namin. dito. lol
Congrats sa pagkapasa sa exam. Gamitin na yan.
Next year sana makaakyat din ako ng bundok.
Happy New year sayo :)
Kaloy: Happy New Year bro!
ReplyDeleteDario: Syempre asa performance talaga yun. chot. haha Happy New Year!
Senyor: Isip lang ang mahalay? hehe Tama. Aja lang!
Zai: Naging good parin naman ang 2012. Cheers to 2013!
Archieviner: haha magkalayo tayo ng destinasyon. kung maluwag sked mo, akyat tayo next year! Happy New Year!
Happy New Year, Justin!
ReplyDeleteGrey! Kamusta na? Happy New Year!
ReplyDelete