Skip to main content

Pasko ba?! Anyare?!

Kausap ko kaninang hapon yung kaibigan ko. Nabanggit ko sa kanya na parang ngayon, di ko dama yung pasko. Parang dumating ang December na wala lang. Tapos sa susunod na linggo ay Pasko na. Eh ano naman. Parang walang pinagkaiba. Anong nangyari sa atin? wika ko sa kanya.

Bumaba kami ng mall para pakinggan yung choir na kumakanta. Rockwell kasi yun kaya wala masyadong tumitigil para makinig. They're all busy with their sosy problems. Unlike, jologs like me na pag may libreng concert, manonood talaga.

Sabi ko sa kaibigan ko. Sa mga ganitong pagkakataon lang - referring to hearing the choir sing - nararamdaman na pasko na nga. Siya naman daw naramdaman niyang pasko na nung magkasama kaming umiikot ng mall with matching picture-picture pa sa mga decors.

Iba talaga kung bata ka sa ganitong panahon. Pinakaaabangan mo yung araw na sasapit kung saan dadami na naman ang iyong pera at regalo. Dalawang linggong bakasyon kung saan pwede kang pumunta kung saan mo gusto pumunta at gawin ano mang gusto mong gawin.

Ewan ko ba kung bakit di ko masyadong nadama ang pasko. Siguro nalunod narin ako sa hype na dapat ang pasko ay panahon ng marami kang pera at marami kang bagong damit. Eh wala akong trabaho for like more than 1 year na. So wala akong bagong damit. wala akong bagong sapatos. Wala nga rin akong mga regalo sa mga chikiting kong kapatid at sa pamangkin-inaanak ko e.

Pero naisip ko. Eh ano naman kung walang pera. Ang mahalaga naman talaga ngayong pasko ay yung oras kasama ng ating pamilya at kaibigan. Panahon na mapalapit muli tayo sa isa't isa. Panahon para pagtuonan ng pansin ang mga taong mahalaga sa atin. Masyado na kasing na commercialized ang pasko.

Sabihin na nating sweet-lemoning or rationalizing. Pero para sa akin basta sama-sama sa pasko at may kaunting handa, ubod na ng saya ang pasko. Merry Christmas Friends :D

Comments

  1. Maligayang pasko, Hustin. Parehas tayo ng sentiments, pero Christmas will always be Christmas. Just have faith on the boy born at a manger. His family also have nothing. :D

    ReplyDelete
  2. ramdam ko yan... ako nga parang sa online lang ang Pasko ko... dito same day lang... parang normal lang..

    Smile muna diyan ^_^

    ReplyDelete
  3. gujavey parehon tayong jologz and proud! yehey... dama ko naman ang pasko dahil sa gastos for the gifts... especially sa mga inaanak... tunay na para sa mga bata ang yuletide...

    at sa mga adults na, our time to give back since we were once like them....


    Chill and enjoy the christmas spirit!

    ReplyDelete
  4. Ako ranmdam na randam ko ang Pasko. Malungkot nga lang dahil malayo. Sana nga di ko na naramdaman. huhu T.T

    Merry Christmas sayo :)

    ReplyDelete
  5. So true! Nowadays mas naiisip ko na lang na magstay sa bahay at magiging masaya na ako basta kumpleto kami at may food na yummy. Haha. Happy holidays Hustin!

    ReplyDelete
  6. Because at the end of the day, Happiness and the feeling of Contentment matters. Happy Christmas, Justin ☺

    ReplyDelete
  7. May sinabihan akong kaibigan, "I see Christmas with child's eyes." :)

    ReplyDelete
  8. Yan ang magic ng Pasko - pag padating palang, feeling natin wala lang, wala ng effect, pero pag Christmas day na, ang saya saya na bigla :)


    Merry Christmas Hustin! :)

    ReplyDelete
  9. Friends: Salamat sa inyong lahat :) Nawa'y maligaya ang araw na ito sa inyo kasama ng inyong pamilya at minamahal xoxo

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

SOML: Somebody that I Used to Know

Was there ever a time in your life when you first heard a song and felt that the song was written for you? That it might be your theme song for a certain moment or chapter in your life? Parang kiling me softly with his song lang ang peg.